MANILA, Philippines – Maagang makakaranas ng penitensiya ang publiko lalo na ang mga motorista makaraang sa ikatlong pagkakataon sa buwan ng Marso ay muling nagpatupad ng taas presyo ng kanilang produkto ang ilang kompanya ng langis ngayong araw ng Martes, Marso 31.
Ito ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, na nagtaas ng halagang P1.10 sa kada litro ang gasolina, P0.60 naman kada litro sa diesel at P0.80 naman sa kerosene na epektibo ito kaninang alas-12:01 ng madaling-araw.
Sumunod na ring nag-anunsiyo ang Phoenix Petroleum, na kahalintulad din ng halaga ng SeaOil at Pilipinas Shell at epektibo naman ito ng alas-6:00 ng umaga.
Nabatid na ito ang ikatlong oil price hike ngayong buwan ng Marso.