^

Metro

Matinding trapik asahan na – MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Asahan na ang mas matinding trapik sa ilang pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila lalo na sa mga expressway bukas, araw ng Miyerkules dahil sa dadagsa ang mga biyaherong magtu­tungo sa mga probinsiya.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis  Tolentino, dahil dito’y  nakaantabay na umano ang kanilang mga traffic en­forcers gayundin ang rescue  team sa mga bus terminal, paliparan at seaports.

Sinabi ng MMDA, katuwang nila ang pamunuan ng NLEX at SLEX para sa pagmamantina ng maayos na daloy ng trapiko. Nauna nang pinayuhan ng MMDA ang mga motorista, partikular ang mga pauwi ng pro­binsiya, na kung maaari ay umalis ng mas maaga  sa Metro Manila.

Bukod sa bugso ng mga pasaherong magsisiuwi, sasabay pa rito ang mga ga­gawing road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng EDSA at C-5 Road.

Samantala, sinorpresa rin kahapon ng MMDA ang mga driver ng bus sa Ara­neta terminal sa Cubao kung saan nagsagawa ng random testing­ o pagsailalim sa breath analyzer ang mga bus driver na bibiyaheng probinsiya.

Nagsagawa ng inspection ang MMDA sa pangunguna ni Tolentino sa 10 drivers at konduktor ang biglaang isi­nailalim sa breath analyzer test.

Layon nito ay upang  masiguro na  hindi naka­inom o nakadroga ang mga driver at konduktor habang bibiyahe. Pawang negatibo naman  ang resulta ng pagsusuri sa mga ito.

Pinayuhan din ni Tolentino, na kapag may problema sa kanilang biyahe ay agad itong ipaalam sa bus company.

Nabatid na ang random testing ay isasagawa sa lahat­ ng bus terminal sa Metro Manila.

ACIRC

ANG

CHAIRMAN FRANCIS

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

NBSP

SHY

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with