^

Metro

100 bahay natupok sa Parañaque fire

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng malakas na apoy ang 100 kabahayan, kahapon sa Parañaque City.

Ayon sa Paranaque City Fire Department, nagsimulang sumiklab ang apoy alas-12:57 ng tanghali sa dalawang pa­lapag ng bahay ng isang Alfonso Reyes,  na matatagpuan sa Delarama Compound, Clinic Village, Purok 2, Barangay BF Homes ng naturang lungsod.

Nadamay ang iba pang kabahayan na umabot sa 100 bilang­, na pawang mga informal settlers at dahil gawa ang mga ito sa light materials  at malakas ang hangin kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Nabatid na umabot sa general alarm ang sunog at habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa tuluyang naaapula ang apoy. Lumalabas din na ang dahilan ng sunog ay faulty electrical wiring dahil maraming naka-jumper dito.

ALFONSO REYES

AYON

CLINIC VILLAGE

DELARAMA COMPOUND

LUMALABAS

NABATID

NADAMAY

PARANAQUE CITY FIRE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with