^

Metro

2 totoy tinarakan sa loob ng jeep, kapwa kritikal

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang binatilyo ang sugatan makaraang undayan ng saksak ng dalawang suspect habang sakay sila ng isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima, ayon sa ulat ni SPO1 Marcy Joy Nuñez ng Quezon City Police Station 3 Womens Children and Protection Desk  ay mga nasa edad na 14   at 15 ,  mga residente sa Santa Queteria , Caloocan City.

Sinisikap naman ng awtoridad na matukoy ang mga salarin na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat ni SPO1 Nuñez, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Quirino Highway harap ng Baesa Town center, Brgy. Baesa, ganap na alas- 9:30 ng gabi.

Bago ito, sumakay umano ang mga biktima sa isang pampasaherong jeepney sa may kanto ng Quirino Highway at T.S. Cruz Subdivision, Brgy. Baesa, para makauwi ng kanilang bahay matapos na dumalo sa isang birthday celebration ng kaibigang si Shabby sa naturang subdivision.

Nang makasakay ay sumunod ang dalawang suspect na sumakay din sa jeepney, habang binabagtas nila ang direksyon ng Balon Bato, at makarating sa Baesa Town Center, biglang nagbunot ng patalim ang mga una, saka magkasabay na inatake ng saksak ang mga biktima. Matapos ang pananaksak, agad na nagsipagbabaan ang mga suspect, habang ang mga biktima naman ay isinugod sa Quezon City General Hospital, kung saan sila kapwa nilapatan ng lunas.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang PS3 upang matukoy ang mga nasabing salarin na posibleng nakursunadahan lamang ang mga biktima dahil dayo ang mga ito sa lugar.

vuukle comment

BAESA

BAESA TOWN

BAESA TOWN CENTER

BALON BATO

BRGY

CALOOCAN CITY

CRUZ SUBDIVISION

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with