Brownout sa MM walang kinalaman sa power crisis – Meralco
MANILA, Philippines – Nilinaw kahapon ng pamunuan Manila Electric Company (Meralco) na walang kinalaman sa nakaambang power crisis ang naganap na brownout o power interruptions sa maraming lugar sa Metro Manila at kalapit na
lalawigan.
Sa advisory ng Meralco, sinasabing ang naganap na brownout sa Pasig, Parañaque, Makati, Las Piñas, Maynila, Quezon City at mga kalapit na probinsiya ay upang bigyang-daan ang ilang maintenance work na kinakailangang gawin upang mapaghusay pa ang ibinibigay nilang serbisyo sa publiko.
Iginiit ng Meralco na walang kinalaman sa ‘supply situation’ ngayong summer ang naganap na pito hanggang walong oras na power inter ruption sa National Capital Region (NCR) na ikinadismaya ng publiko.
Una rito ay nagpaabiso na ang Meralco na magtataas sila ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril at Mayo dahil power crisis at pagsasara ng Malampaya Power Plant.
Sinasabing may mga nakatakda pang power interruptions sa mga susunod na araw, partikular sa ilang lugar sa Maynila na inaasahang mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw na ito Marso 25.
- Latest