^

Metro

Naperwisyong mga pasahero ng eroplano balak magkaso

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May mga departing passenger na mga hindi nakasakay ng eroplano papunta sa kanilang destinasyon ang nagbabalak diumano na mag-file ng class suit laban sa DMCI, contractor sa NAIA expressway project.

Ayon sa ulat, 200 ang bilang ng mga domestic at international flight ang na­apektuhan ng mga hindi pa mabilang na mga nagga­galaiti sa galit na mga pasahero  sa NAIA Terminal 1, 2, 3 at 4 ang sinasabing naiwanan ng eroplano sanhi ng matinding trapik dahil sa insidenteng nangyari sa nasabing lugar.

Sinabi ng ilang airport observers na may domino effect ang nangyaring aksidente dahil ang mga na­iwanang pasahero ng mga domestic at international flights ay dapat i-rebooked muli ng kanilang mga airlines para muling makabiyahe sa pupuntahang lugar.

‘Ang problema next week ay Semana Santa na kaya maraming mag-uuwiang mga pasahero at ang ibang eroplano ay fully booked na ngayon. Paano kaya ito maisisingit, hindi biro ang mga pasaherong nagka-aberya?’ sabi ng mga airport ob­servers.

Sinabi ng source, dapat bayaran ng DMCI ng danyos ang mga pasaherong naiwan ng eroplano at tulungan para sa re-booking nila na inabot ng aberya dahil sa pagbagsak ng kanilang ‘girder launcher.’

Habang sinusulat ang ba­litang ito ay wala pang inilalabas na pormal na pahayag ang Civil Aeronautics Board (CAB) tungkol sa nangyaring aberya sa mga pasahero ng mga eroplanong inabot ng problema dahil sa pagbagsak ng girder launcher kung paano nila matutulungan ang mga ito.

Samantala, may libreng sakay sa shuttle service na maghahatid sa mga pasahero sa NAIA Terminals 1, 2, 3 at 4, ang mga pasaherong galing­ Pasay area o sa Terminal 3 ay pinapayuhan magpunta sa  Circulo del Mundo (Gate 101) area dahil may mga nakaistasyon na mga bus para magsakay ng mga pasahero.

Ang mga manggagaling ng Sucat o Parañaque City area, may shuttle bus na nakaistambay sa curbside arrival­ level malapit sa security building­ ng NAIA.

Ang mga libreng sakay-shuttle buses ay dadaan sa airside o loob ng paliparan ng NAIA para dalhin ang mga pasaherong nakasakay dito sa apat na terminal ng airport.

vuukle comment

AYON

CIRCULO

CIVIL AERONAUTICS BOARD

HABANG

SEMANA SANTA

SHY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with