^

Metro

10 ‘tiktik’ tumanggap ng P4.6-M pabuya

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sampung impormante ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang binigyan ng kabuuang P4.6 milyon halaga ng salapi bilang gan­timpala sa pagbibigay nila ng impormasyon para mabuwag ang malalaking sindikato na nagpapakalat ng iligal na droga­ sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga binigyan ng gan­timpala ay itinago sa mga codename na Axcel, Noy, Tolendoy, Paulo, Abel, Brix, Coleen Sarmiento, Cold Ice, Ice at Jun.

Ang mga nasabing impormante ay tumanggap ng parangal nang nakatakip ang kanilang mga mukha upang maprotektahan ang kanilang katauhan at hindi maging delikado ang kanilang mga buhay laban sa mga sindikato.

Sabi ni Cacdac,may kabuuang P4,691,467.50 mo­netary rewards ang naibigay sa mga impormante na inaprubahan ng OPE Rewards Committee.

Sa lahat ng impormante, tanging si alyas Jun ang naka­tanggap ng pinakama­laking halaga ng reward sa halagang P1,929,889.61. Ito ay base sa impormasyong kanyang ibinigay sa PDEA Regional Offices 2 at National Capital Region na nagresulta sa pagkakabuwag sa ma­laking laboratoryo ng shabu at pagkakasamsam sa may 260.25 kilograms ng shabu, 24 kilograms ng ephedrine. Nadakip din sa bisa ng search warrant ang limang suspect sa naturang operasyon sa Brgy. Newagac, Gattaran, Cagayan noong February 26, 2015.

Sabi ni Cacdac, sa ga­nitong paraan ay mas mapapadali ang pagbuwag sa mga sindikato ng droga sa bansa, dahil mabilis na maibibigay ang impormasyon sa mga awtoridad.

Kaya naman muling hi­ni­kayat ni Cacdac ang publiko na makiisa sa kanilang programa na sugpuin ang illegal drug activities sa bansa.

CACDAC

COLD ICE

COLEEN SARMIENTO

DIRECTOR GENERAL ARTURO G

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

NATIONAL CAPITAL REGION

REGIONAL OFFICES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with