Brownout sa Metro Manila naranasan
MANILA, Philippines – Nakaranas ng pito hanggang walong oras na brown- out o power interruption sa maraming bahagi ng Metro Manila kahapon na magtatagal hanggang ngayong araw na ito ng Martes.
Sa ipinalabas na advisory ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) nabatid na walong oras na nawalan ng supply ng kuryente sa Parañaque City na nagsimula ng alas-10:00 ng gabi noong Linggo hanggang alas-6:00 ng umaga kahapon partikular sa T. Alonzo St., dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste.
Pitong oras namang nawalan ng supply ng kuryente sa ilang bahagi ng Pasig City, Makati City at Las Piñas dahil sa rehabilitation works ng mga tauhan ng Meralco.
Kabilang sa mga lugar na nakaranas ng pitong oras na power interruption mula alas-11:00 ng gabi hanggang ngayon alas-6:00 ng umaga ay ang Urbano Velasco St., Salandan St., sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig City.
Sa Makati City ay alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon kahapon ay nawalan naman ng supply ng kuryente sa Aranga St,; Mayapis St.; Sampaloc St.; Camachile St.; St. Paul St.; at Bakawan St., sa Brgy. San Antonio.
Sa Las Piñas ay nawalan naman ng kuryente dakong alas-8:00 ng umaga kahapon hanggang alas-3:00 ng hapon sa Libra St., Pamplona Park Subdivision sa Brgy. Pamplona II.
Habang sa Parañaque ay limang oras na naranasan ang power interruption na nagsimula ng alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw sa kanto ng Quirino Ave.; Bayview Garden Homes; Villa Carolina Townhomes; Jose Abad Santos; Clipper Ave.; Librada Avelino; Katigbak Drive at Bayview Drive sa Brgy. Tambo.
- Latest