^

Metro

Manila Action Team binuo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Ma­yor Joseph Estrada na mas madali pang matutugunan ang hinaing at reklamo ng mga Manilenyo sa pagbuo ng bagong tanggapan sa ilalim ng kanyang  panunungkulan.

Sa pamamagitan ng nilagdaang Executive Order No. 08, binuo ang “Manila Public Assistance and Action Team” na pamumunuan ni Atty. Ericson Alcovendaz bilang Executive Director, kabilang din sa team Manila City hall detachment at MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco,  Jr.; Dr. Benjamin Yson; Atty. Jose Alberto Flaminiano at Ma. Shielah Lacuna-Pangan.

Layunin ng binuong tanggapan na tugunan ang mga hinaing ng mga residente ng lungsod mula sa paghingi ng ayuda, paghanap ng tamang taong tutulong sa kanilang pangangailangan, pag-uulat ng naganap na krimen o ilegal na aktibidad at paghahain ng reklamo sa sinumang kawani o opisyal ng lokal na pamahalaan na umaabuso sa tungkulin.

 Sa pagpasok pa lamang sa tanggapan ng MPAAT,  agad na irerekomenda sa sinumang hihingi ng tulong ang opisyal na kanilang  dapat na kausapin.

Dito ay hindi na kailangan pang maghintay ng matagal ang  mga hihingi ng tulong.

Ayon naman kay Estrada, ito’y upang maging mabilis ang aksyon ng city government sa mga Manilenyo.

 

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

DR. BENJAMIN YSON

ERICSON ALCOVENDAZ

EXECUTIVE DIRECTOR

EXECUTIVE ORDER NO

JOSE ALBERTO FLAMINIANO

JOSEPH ESTRADA

MANILA CITY

MANILA MA

MANILA PUBLIC ASSISTANCE AND ACTION TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with