Dalaga, ni-rape slay sa San Juan
MANILA, Philippines – Isang 24-taong gulang na dalaga ang sinasabing ginahasa muna bago pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang tahanan sa San Juan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni San Juan City Police Chief P/Sr. Supt. Ariel Arcinas, ang biktima na si Robin Jacque Ong, nakatira sa Barangay Batis sa lungsod.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Gener Antazo, nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi ng matagpuan ang biktima ng kanyang ina na si Josefina na wala nang buhay sa loob ng kanyang kuwarto.
Hinala ng pulisya na ginahasa ang biktima dahil nakahubad ito mula beywang pababa at posibleng nanlaban sa suspek dahil sa nakitang sugat sa kamay at ulo na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.
Sinabi ni SPO1 Antazo, maaaring natutulog ang biktima nang pasukin ito sa kanyang kuwarto, saka hinalay at posibleng nanlaban kaya pinatay.
Sumasailalim ngayon medico legal examination ang labi ng biktima upang mabatid kung may laceration ito.
Sa ngayon ay may lead nang sinusundan ang pulisya para matukoy at madakip ang posibleng may kagagawan ng krimen.
- Latest