MANILA, Philippines - Magsasagawa na naman ng road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.
Dahil dito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) asahan pa rin ang masikip na daloy ng trapiko sa ilang panig ng Metro Manila.
Sa abiso kahapon ng MMDA, sinimulan ang road re-blocking mula alas-10:00 kagabi at matatapos ng alas-5:00 ng madaling-araw sa Lunes (Marso16).
Ang mga apektadong lugar partikular ang bahagi ng north-bound ay ang kahabaan ng C-5 Road mula Valle Verde/Resins Inc. hanggang Lanuza St., outermost lane.
Sa Eastbound, ang kahabaan ng Batasan Road mula World of Hope Church hanggang Payatas Road, 1st inner lane; kahabaan ng C.P. Garcia Avenue mula Pook Aguinaldo hanggang Katipunan Avenue, 2nd lane.
Sa Westbound ay ang kahabaan ng Rodics Restaurant hanggang Miranila Gate 2, 1st inner lane.
Payo ng MMDA sa mga motorista dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang hindi matrapik ang mga ito.