MANILA, Philippines - Nilinaw ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na wala pa siyang plano sa 2016 matapos na ihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada ang kanyang pagnanais na muling tumakbo sa pagka-alkalde sa lungsod.
Ayon kay Moreno, tanging sinabi niya na iginagalang niya ang desisyon ni Estrada subalit wala pa siyang desisyon kung tatakbo sa mas mataas na posisyon bagama’t ikinokonsidera rin niya ito.
Tanging ang kanyang prayoridad ay kapakanan ng Maynila dahil alam na niya ang problema ng lungsod sa 18- taon na siya ay nasa pulitika.
Giit pa ni Moreno na isinasakatuparanlamang niya ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng Vice Mayors League of the Philippines ( VMLP).
Umapela ito sa kanyang mga tagasuporta na maging mahinahon sa pagsasabing may magandang plano ang Diyos para sa kanya.