^

Metro

Holdaper na tandem, tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga tauhan ng Caloocan City police ang dalawang pinaniniwalaang holdaper na riding-in-tandem, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Caloocan Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante ang mga nadakip na sina Victor De Guzman, 24, at Dexter Pigi, 23.

Sa ulat ng pulisya, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Assistance Center (PAC 24) dakong alas-5 ng hapon nang maispatan ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo at may sukbit na baril sa may Capitol Park, Maligaya, Brgy. 177 Camarin, ng naturang lungsod.

Sinita at pinara ng mga pulis ang mga suspek. Hindi na nakapalag ang dalawa nang kapkapan at arestuhin nang hindi makapagpakita ng kaukulang dokumento sa bitbit na baril ni De Guzman. Nakumpiska naman kay Pigi ang isang patalim at isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ayon sa pulisya, posibleng target ng dalawang suspek na mangholdap o maaaring may iba pang krimen na gagawin na nasawata nang masakote sila. Isinasailalim naman sa background investigation ang dalawa upang mabatid kung sangkot ang dalawa sa iba pang krimen o may mga reklamo laban sa kanila.

vuukle comment

AYON

BARTOLOME BUSTAMANTE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

CAPITOL PARK

DE GUZMAN

DEXTER PIGI

POLICE ASSISTANCE CENTER

SR. SUPT

VICTOR DE GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with