Mayor Junjun pinayuhang harapin ang imbestigasyon sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Quezon City 6th District Representative Christopher Belmonte si Makati Mayor Erwin “Junjun” Binay na harapin ang imbestigasyon ng Ombudsman at huwag magtago.
Ginawa ni Belmonte ang pahayag na ito matapos magpalabas ang Ombudsman ng 6-month preventive suspension kay Mayor Binay habang iniimbestigahan ang umano’y overpricing ng P2.6 billion Makati Parking Building.
Dinepensahan ni Belmonte ang desisyon ng graft court na kasuhan ang mag-amang Binay at 22 pang indibidwal.
Ayon kay Belmonte, hindi magsasampa ng reklamo ang mga imbestigador ng Ombudsman laban sa mga respondents kung walang matibay na ebidensiya ng graft and corruption laban sa mga akusado.
Ayon sa batas, kailangang isilbi kay Mayor Binay ang preventive suspension order sa loob ng 5 araw matapos itong palabasin ng tanggapan ng Ombudsman.
- Latest