MANILA, Philippines – Sumiklab ang tensyon sa isinagawang kilos protesta ng mga estudyante ng PUP-Taguig kaugnay sa umano’y pagtaas ng matrikula.
Unang sumiklab ang tensyon sa mismong gate ng unibersidad makaraang harangan ng mga mag-aaral ang nakatakdang pag-uusap ng Board of Regents, hindi nila pinayagang makapasok at makalabas ang mga sasakyan.
Maging ang mga estudyanteng hindi kasali sa protesta ay nahirapan ding makapasok.
Maging sa iba pang campus ng PUP ay nagsagawa rin ng kahalintulad na protesta.