^

Metro

Nakaipit sa tiket driver kalaboso sa shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang dri-ver matapos na makuhanan ng  isang sachet ng shabu at shabu paraphernalia nang masita dahil sa  illegal parking sa Lambingan Bridge, Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ni  Manila Traffic and Parking Bureau  (MTPB) Director Carter Don Logica ang  suspek na si  Alvin Ryan Sungao, 32, ng San Matias, Guagua, Pampanga.

Batay sa report, alas-10:30 ng umaga nang masita ng  mga tauhan ng  MTPB  si Sungao, dahil sa matagal nang  nakahinto sa Lambingan Bridge ang  tanker na minamaneho nito na may plakang RMH 261.

Kinuha ni Sungao mula sa kanyang  bulsa ang  tiket kung saan lumitaw ang isang sachet ng shabu.

Dito na nagulat ang   mga tauhan ng  MTPB Task Force Foxtrot. Agad nilang  pinalabas kay Su-ngao ang  mga nasa bulsa nito kung saan nakuha ang mga improvised toother, palara at mga stick. Ayon kay Sungao binili niya iyon sa halagang  P2,000.

Lumilitaw na nahuli na sa Makati si Sungao dahil sa kasong paglabag sa ba­tas trapiko kaya’t wala na itong naiprisintang lisensiya.

Ayon kay Logica kadalasan umanong guma­gamit ang mga driver upang gi-sing sa kanilang pagmamaneho sa gabi. Gayunman, todo tanggi naman  si Sungao  na alam ng kan­yang  amo ang kanyang paggamit ng  shabu.

Agad namang dinala sa MPD-Station 9 si Sungao upang masampahan ng ka­ukulang kaso.

Samantala, isang tow truck naman ang hinatak ng tow truck matapos na mahuli sa aktong natutulog ang driver nito habang nakaparada sa gilid ng  Isetann Department Store sa Quezon Blvd. noong Huwebes.

Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno, indi­kasyon lamang ito na ang lahat ng sasakyang nakasasagabal ay kailangan na  hatakin maging ito  man ay pribado o gobyerno.

ALVIN RYAN SUNGAO

AYON

DIRECTOR CARTER DON LOGICA

ISETANN DEPARTMENT STORE

LAMBINGAN BRIDGE

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

SUNGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with