^

Metro

2 bata patay sa Meningo sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nababalot ngayon ng takot ang mga magulang ng Morning Breeze Ele­mentary School sa Pilar St., Morning Breeze Subdivision, sa Caloocan City dahil sa pagkamatay umano ng dalawang bata na hinihinalang dahil sa kinatatakutang sakit na meningococcemia.

Sa panayam ng PSN sa isang source, hindi na umano pinapapasok ng ilang mga magulang ang kanilang mga anak matapos na  unang masawi ang isang grade 1 na babaeng pupil nitong nakaraang Miyerkules sa Manila Central University Hospital nang apuyin ng matinding lagnat at magsusuka umano.

Nabatid na nilagnat ang bata noong Lunes sa loob ng paaralan at hindi pinapasok nitong Martes.  Muling pumasok nitong Miyerkules ang paslit ngunit inapoy ng lagnat sa paaralan at nawalan ng malay kaya isinugod sa pagamutan.

Nitong Biyernes, isang bata pa rin umano ang nasawi na nag-aaral sa naturang paaralan rin dahil sa matinding lagnat.

Nangangamba ngayon ang mga magulang ng mga paslit makaraang kumalat ang bali-balita sa Morning Breeze at Bagong Barrio sa Caloocan na na­matay ang mga bata dahil sa meningo.

May ilang hindi kumpirmadong ulat rin na hinihinalang nasawi ang unang paslit dahil sa Mers-COV.

May kuwento kasing umiikot na kasama umano ng ama ang paslit nang may sinundo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at posibleng nakuha ang naturang sakit.

Itinanggi naman ni Ca­loocan Mayor Oscar Ma­lapitan ang balita na Me­ningo, Mers-COV, o Ebola ang ikinamatay ng paslit.

Sinabi nito na base sa medical record ng pasyen­te, pneumonia ang ikinasawi ng biktima na napabilis lang dahil sa pagkabigla ng katawan sa tinanggap na antibiotic.

Iniutos nito na bigyan na rin ng mga gamot ang mga mag-aaral at guro habang pinausukan na rin ng kemikal ang buong paaralan.

Nagpakilos na rin ng “contact tracing team” ang city hall para mabatid kung sino ang mga nakasalamuha ng biktima at malaman kung may sakit rin ang mga ito.

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MAYOR OSCAR MA

MIYERKULES

MORNING BREEZE

MORNING BREEZE ELE

MORNING BREEZE SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with