^

Metro

Pekeng police major, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang dinakip matapos itong magpanggap na opisyal ng pulis para lamang makakuha ng diskwento sa pamimili nito sa isang shopping mall sa Pasay City, kahapon.

Kinilala ang suspek na si Dannie Ting,  47,   ng Masangkay St., Sta. Cruz, Manila.

Nakasuot pa ang suspek ng police uniform  na may ranggong chief inspector o major, kung kaya’t na-wow  mali ang ilang pulis sa Pasay City Police headquarters at sinaluduhan pa ito.

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Sidney Sultan Hernia, Officer-In-Charge ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-8:30 ng umaga sa Bagong Me­lenio Shopping Mall sa Taft Avenue, Brgy. Bacla­ran ng naturang lungsod.

Nabatid na namataan ng ilang negosyanteng may pwesto sa naturang mall ang suspek at naka-uniporme pa ito dahilan upang itawag nila ito sa himpilan ng Police Community Precinct (PCP) 6 na nang respondehan ay  nadiskubre na peke ang suspek.

Katwiran ng suspek, kaya aniya siya nagpanggap na pulis ay upang makakuha ng diskwento sa kanyang pamimili.

vuukle comment

BAGONG ME

DANNIE TING

MASANGKAY ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SENIOR SUPT

SHOPPING MALL

SIDNEY SULTAN HERNIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with