Oil price hike, nagbabadya na naman

Oil price hike

MANILA, Philippines – May napipinto na namang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na halos nasa P1 sa susunod na linggo.

Matatandaan na nitong nakaraang linggo lamang (Marso 3) ay nagpa­tupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produkto ang mga oil company.

Subalit sa susunod na linggo ay nagbabadyang magpatupad ng naman ng taas presyo ng kanilang produkto.

Base sa presyuhan sa world market­, umabot sa P0.99 kada litro ang taas presyo sa imported na gasolina, nasa P0.52 kada litro naman para sa krudo o diesel habang P0.46 kada litro naman sa kerosene.

 

Show comments