20 sniffing dogs, bigay ng US sa NCRPO

Dalawampung (20) bomb sniffing dogs ang ipinagkaloob ng Estados Unidos sa National Capitan Regional Police Office (NCRPO)

MANILA, Philippines - Upang mapaigting ang kampanya kontra terorismo, nasa dalawampung (20) bomb sniffing dogs ang ipinagkaloob ng Estados Unidos sa National Capitan Regional Police Office (NCRPO).

Ito ay bilang bahagi ng US Anti-Terrorism Assistance Program sa Pilipinas.

Kasabay nito, nasa  20 miyembro rin ng kapulisan ang nagtapos sa Explosive Detection Canine Sustainment Course para maging handler ng mga nasabing K-9.

Nabatid kay  Supt. Annie Mangalen, ng Public Information Office ng NCRPO 15 sa mga magsisipagtapos ay mula sa mga tauhan ng NCRPO, 3 sa Special Action Force (SAF) at 2 sa Aviation Security  Group.

Ang dalawampung pulis ay sumailalim sa masusing pagsasanay, kasama ang kanilang mga imported na alagang aso tulad ng mga labrador at Belgian, na nagsimula pa noong Enero 26 nang taong kasalukuyan.

Nabatid, na pinangunahan ni NCRPO director Chief Supt. Carmelo Valmoria ang graduation rite sa tanggapan ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig  alas-10:00 ng umaga.

Ayon kay Valmoria itatalaga ang mga nasabing K-9 units sa paliparan, pantalan, bus terminal, mga mall at mga matataong lugar sa Metro Manila.

Show comments