2 NPA commanders, timbog

STAR/File photo

MANILA, Philippines - Dalawang notoryus na commander ng New People’s Army (NPA) ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya matapos matunton ang pinagtataguan ng mga ito sa isinagawang operasyon sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Emmanuel Bacarra, na aktibong nag-ooperate sa Oriental Mindoro at Ruben­ Saluta, na ang grupo ay aktibo naman sa Panay Island.

Ayon kay AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Harold Cabunoc, inaresto  kamakalawa ng gabi ng mga operatiba ng militar at pulisya ang dalawang opisyal ng NPA rebels sa hideout ng mga ito sa Caloocan City.

Bukod dito, ang mga ito ay nahaharap din sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 6968 o Anti-Rebellion Act.

Sinabi ni Cabunoc na ang matagumpay na pagkakalambat kina Bacarra at Saluta ay bahagi ng law enforcement operations ng AFP at PNP matapos na isailalim sa surveillance operations ang lugar na pinagtataguan ng mga ito.

Show comments