MRT muling nagkaaberya
MANILA, Philippines - Naantalang muli ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong Biyernes matapos magkaaberya dahil sa braking system.
Sinabi ni MRT General Manager Roman Buenafe na inihinto ng operator ang tren matapos mapansing gumana ang automatic train protection (ATP) bandang alas-8 ng umaga sa Buendia station.
Ibinaba ang mga naapektuhang pasahero sa Ayala station kung saan nakasakay naman sila sa sumunod na tren.
"Nakasakay naman sila dun sa kasunod na mga train para isakay sila sa next two stations," paliwanag ni Buenafe.
Inaalam pa ng pamunuan ng MRT kung may nasaktan sa insidente.
Hindi ito ang unang beses na naantala ang operasyon ng MRT dahil sa ATP braking system.
Nakatakdang limitajan ang biyaje ng MRT tuwing Sabado ng gabi hanggang Linggo ng tanghali upang bigyang daan ang pagkukumpuni sa mga sirang riles.
- Latest