^

Metro

Barker itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 54-anyos na barker nang pagbabarilin sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ng riding-in-tandem sa tapat ng Lope De Vega Tower  sa Felix Huertas St., sa Sta. Cruz, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na  si Dionicio Bernales, isang ex-convict na miyembro ng ‘Commando gang’ at residente ng Maya-Maya St., Malabon City.

Idineklarang patay ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) dakong alas-4:20 ng hapon.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-2:50 ng hapon sa bangketa sa tapat ng na­sabing condominium, malapit sa  Fabella Hospital

Nabatid na habang naghihintay ng taxi ang suspek para sa mga pas­yente ng Fabella Hospital ay naupo muna ito sa bangketa ng na­sabing tower condo­minium nang biglang lapitan ng ri­ding-in-tandem­.

Walang sabi-sabing pina­ulanan siya ng bala ng dalawang suspect.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa sentido at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima dahilan ng kanyang kamatayan.

Wala namang nais magsalita sa lugar, ma­liban sa ilang impormasyon  ang biktima ay gumagamit umano ng iligal na droga at ‘runner’ umano ng mga taxi driver sa pagbili ng iligal na droga kaya tinitingnan din ang anggulo sa droga.

DIONICIO BERNALES

FABELLA HOSPITAL

FELIX HUERTAS ST.

JONATHAN BAUTISTA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LOPE DE VEGA TOWER

MALABON CITY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with