Palubha nang palubhang trapik, iniiyak ng mga motorista
MANILA, Philippines - Inirereklamo na ng mga motorista ang walang humpay at palubha nang palubhang trapik sa Metro Manila na sinasabayan pa ng road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.
Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), muling magsasagawa ng road re-blocking sa ilang lugar ng Metro Manila at asahan ang masikip na daloy ng trapiko.
Ayon sa MMDA, muling sisimula ito alas-10:00 ngayong gabi at matatapos alas-5:00 ng madaling-araw sa Lunes (Marso 2).
Kabilang sa apektadong lugar partikular sa bahagi ng Northbound ay ang Kahabaan ng Mindanao Avenue mula Arty 2 hanggang Old Sauyo Road, 3rd lane. Sa eastbound ay ang kahabaan ng Batasan Road mula DSWD hanggang Payatas Road, 1st inner lane. Kahabaan ng Congressional Avenue Extension mula Tandang Sora Avenue hanggang Luzon Avenue, 2nd lane.
Kahabaan ng C.P. Garcia Avenue mula Velasquez Street hanggang Katipunan Avenue, 2nd lane. Dahil dito, payo ng MMDA sa mga motorista dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang iwas abala.
- Latest