^

Metro

EDSA 1 anniv traffic jam kasalanan ng PNP – MMDA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang Philippine National Police (PNP) ang nag-utos na isara ang bahagi ng EDSA northbound ula Shaw Boulevard hanggang Santolan, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino ngayong Huwebes.

Sinabi ni Tolentino na PNP ang nag-asikaso ng mga pagsasara ng kalsada bilang seguridad sa mga nais makisama sa pagdiriwang ng ika-29 anibersaryo ng EDSA People Power 1.

“Alam naman natin na every February 25 e ganun yun nagklo-closure. As early as Sunday nilabas na natin yung ruta jung bago magsimula yun naglabas na tayo  altdrnate routes. Pero lahat po ito ay bahagi ng preparasyon ng Philippine National Police. So yung PNP-NCRPO (National Capital Region Police Office) ang nagdetermine ng gaano kahaba, gaano kalayo at anong direksyon,” pahayag ni Tolentino.

Maraming motorista na papasok at pauwi sa trabaho ang naabala dahil sa masikip na daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.

“May mga bagay na 'di ma-idiscuss sa public pero ang priority kahapon ay yung security concern. Halimbawa alas tres ng hapon nakahuli na tayo ng sang taong may baril dun sa footbridge ng Ortigas. Merong isang bag na itim na iniwan din dun sa EDSA Shrine. Kaya yung nga naging paghahanda natin, baka sabihin ng pulis, e oa o over pero palagay ko naman walang nasaktan kahapon. Bahagi rin yan ng preparasyon para magkaroon ng peaceful celebration,” paliwanag ng MMDA chairman.

Sinabi pa ni Tolentino na dahil sa hakbang ng PNP ay napigilan ang mga nagtangkang manggulo kahapon.

“Merong mga ibang nagtangka na hindi natuloy kahapon. Kung anuman yung gagawin, di ko masasabi. Basta merong mga napreempt kahapon,” aniya.

Samantala, tanggap ni Tolentino na sa kanila napupunta ang sisi ng publiko.

“Okay lang yun. Ok lang yun. Kasi kung mare-realize nila yung security reasons palagay ko mauunawaan nila yun. Sa nagba-bash, naunawaan ko kayo pero sorry dun sa nangyari kahapon. Sana maunawana niyo rin kami na prayoridad ay yung security concerns. Peace and order pa rin,” wika niya.

vuukle comment

ANG PHILIPPINE NATIONAL POLICE

FRANCIS TOLENTINO

MERONG

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PEOPLE POWER

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with