Pagpapalit ng riles ng MRT-3, aabutin ng 3-4 na buwan

Metro Rail Transit-3 (MRT-3). File photo

MANILA, Philippines – Aabutin ng mula tatlo hang­gang apat na buwan bago matapos ang rehabi­litation program na isasagawa sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, may 6,000 linear meters­ o 150 metro ng riles ang kinakailangang palitan tuwing Linggo.

Gayunman, nilinaw ni Abaya na hindi naman nila tu­luyang ititigil ang operasyon ng MRT-3 sa sandaling si­mulan na ang pagkukumpuni.

Aniya, paiigsiin lamang nila ang operasyon ng MRT-3 tuwing weekend.

Idinagdag pa nito na ma­aga silang titigil ng operas­yon kapag Sabado at late namang magbubukas kapag Linggo.

Plano rin nilang i-maxi­mize ang pagsasara ng MRT-3 ngayong Holy Week upang makumpleto agad ang proyekto.

Inihayag din ni Abaya na naghahanap na sila ng bagong maintenance contractor para mapalitan ang kasalukuyang maintenance provider ng MRT 3.

Marami aniyang pribadong kumpanya na intere­sado sa kontrata ngunit wala pa sa mga ito na nagsu­sumite ng kanilang bids.

Show comments