^

Metro

Trapik asahan dahil sa re-blocking ng DPWH

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magpapatupad ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng road re-blocking ngayong weekend kaya asahan pa rin ang masikip na daloy ng trapiko sa ilang lugar ng Kalakhang Maynila partikular sa Quezon City.

Ito ang abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motoristang magtutungo sa area ng Quezon City.

Nabatid na sinimulan ito alas-10:00 kagabi (Peb­rero 20) at matatapos alas-5:00 ng madaling-araw sa Lunes (Pebrero 23).

Ang mga apektadong lugar ay ang Kahabaan ng Min­danao Avenue mula Min­danao Boundary hanggang  Old Sauyo Road, fourth inner lane;  Kahabaan ng Common­wealth Avenue, Litex Pedestrian Overpass hanggang  LP Machine Works, third lane.

Kahabaan ng Batasan Road mula DSWD hanggang Payatas Road, first inner lane; kahabaan ng Congressional Avenue Extension  bago Our Lady Court Subdivision hanggang Luzon Ave­nue, third lane at kahabaan ng C.P. Garcia Avenue mula Baluyot Street hanggang H.R. Ocampo, second lane.

Payo ng MMDA sa mga motorista na iwasan ang naturang mga kalye upang hindi maabala at maghanap ito ng mga alternatibong ruta para makarating sa kanilang paroroonan.

vuukle comment

BALUYOT STREET

BATASAN ROAD

CONGRESSIONAL AVENUE EXTENSION

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GARCIA AVENUE

KAHABAAN

KALAKHANG MAYNILA

LITEX PEDESTRIAN OVERPASS

LUZON AVE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with