Lalaki dedo sa boga

MANILA, Philippines – Utas ang isang 32-anyos na lalaki makaraang patraydor na pagbabarilin sa likod ng isang hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City.

Nagtamo ng tama ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang biktimang si Gilbert Mariano, ng Santol Road, Brgy. Potrero, Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa may 3rd Avenue, Brgy. 119, Caloocan City, ang biktima kasama ang kapatid na si Romeo upang kausapin ang isang Michael Pagia.

Naabutan naman sa lugar ni Mariano ang kanyang kinakasama na si Christy Carion na sapilitan nitong isinama pauwi. Dito sumulpot ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Allan at binaril sa likod ang biktima gamit ang isang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Dinala sa Caloocan City Medical Center ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay.

Show comments