^

Metro

10-anyos nangalakal sa ilog, nalunod

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bangkay na nang matagpuan ang isang 10-taong gulang na batang babae matapos na mahulog sa ilog at malunod habang sakay ng pampalutang na styrofoam at nangangalakal ng basura sa San Juan River, lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima ay nakilalang si Ashley Jane Aurel, grade 5 pupil at residente sa Victory Avenue, Brgy. Tatalon sa lungsod.

Ayon kay PO2 Raldwin Sanchez, may-hawak ng kaso, tu­magal ng halos pitong oras, bago tuluyang natagpuan ang bangkay ng biktima sa may ilog ng San Juan, matapos galugarin ng rumes­pondeng coast guard ang lugar.

Nangyari ang insidente, ganap na alas-9:30 ng umaga sa may nasabing ilog na matatagpuan sa Brgy. Tatalon sa lungsod.

Bago ito, alas-9 ng umaga, nagplano umano ang mga ka­ibigan ng biktima na sina Kimby Montanez, 15, at Clarence Peña, 12, na manguha ng kalakal sa kabilang ilog ng San Juan River.

Dito ay nagpumilit umano ang biktima sa dalawa na sumama, pero binalaan umano siya ni Kimby. Subalit, hindi sumunod ang biktima, sa halip binitbit nito ang isang styrofoam na ginawang pampalutang saka lumangoy kasama si Clarence patungo sa kabilang ilog. Gayunman, nang nasa kalagitnaan na ang dalawa ng ilog, ang styrofoam na hawak ng biktima ay dumulas sa kanyang kamay dahilan para ito tuluyang lumubog.

 

ASHLEY JANE AUREL

BRGY

CLARENCE PE

KIMBY MONTANEZ

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RALDWIN SANCHEZ

SAN JUAN

SAN JUAN RIVER

TATALON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with