^

Metro

2nd round ng pagbabayad ng real property tax itinakda sa 2017

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Konseho ng Maynila ang ikalawang bahagi ng pagbaba­yad ng real property tax sa 2017.

Ayon kay Manila 5th District Councilor Raymundo Yupangco, bahagya nang  nakabangon ang lungsod ng Maynila kung saan na­bayaran na ang mga naiwang utang ng nakaraang admi­nistrasyon kaya’t marapat la­mang na pagpahingahin ang mga taxpayers mula sa kanilang  bayarin.

Inamyendahan ng konseho ang section 3 ng ordinance no. 8330  o ang ‘2014 General Revision of Real Property Assessments’ na nagtatakda ng adjustment sa fair market values ng mga real property taxes sa lungsod alinsunod na rin  sa evaluation ng city assessors.

“We have already achieved our goal of increasing our tax collections. Our debts have already been paid and our budget deficit is also being managed. We see no need to make the second collections this year,” ani Yupangco.

Matatandaang  inaprubahan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagtataas sa real property tax sa residential properties, commercial at industrial pro­perties.

Una nang  sinabi ng konseho na sa loob ng dalawang taon gagawin ang pagbabayad kung saan 60 porsiyento sa taong 2014, at ang 40 porsiyentong  ba­lance ay ngayong taon 2015.

Subalit sa panibagong ordinansa, nire-scheduled ang second payment sa 2017.

Giit ni Yupangco, kinaila­ngan lamang nilang itaas ang real property taxes at services fees bunsod na rin sa utang ng lungsod sa uti­lity services na umaabot sa P4.4 milyon at pagkakaroon ng budget deficit na P3.5 bil­yon.

Ito  na rin ang pangako ni Estrada na debt-free ang Maynila sa Hulyo, 2015.

vuukle comment

AYON

DISTRICT COUNCILOR RAYMUNDO YUPANGCO

GENERAL REVISION OF REAL PROPERTY ASSESSMENTS

GIIT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

SHY

YUPANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with