MANILA, Philippines - Asahan ang muling pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila dahil muling magsasagawa ng road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.
Ito ang abiso kahapon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang makaiwas ang mga motorista na dumaan sa mga lugar na apektado ng road re-blocking.
Sinimulan ito ng alas-10:00 ng gabi at matatapos alas-5:00 ng madaling-araw sa Lunes (Pebrero 16).
Kabilang sa apektadong lugar partikular sa bahagi ng Southbound ay ang kahabaan ng Mindanao Avenue mula Road 20 hanggang Congressional Avenue, 3rd lane; C.P. Garcia Avenue mula C. V. Francisco Street hanggang Pook Aguinaldo, 2nd lane at Commonwealth Avenue-Commonwealth Appartel hanggang LP Machine Works, 3rd lane mula median island
Sa Northbound, ay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue mula Zuzuaregui St. hanggang Don Antonio St., 4th inner lane.
Sa bahagi ng eastbound/westbound ay ang kahabaan ng Batasan Road mula DSWD hanggang Payatas Road, 1st inner lane, east-bound.
Gayundin ang kahabaan ng Congressional Avenue Extension bago Our Lady Court Subdivision hanggang Luzon Avenue, 3rd lane, east-bound at west-bound at Miranila Gate 2 hanggang Visayas Avenue, 2nd lane, east-bound at west-bound
Dahil dito, payo ng MMDA sa mga motorista dumaan na lamang sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.