Libreng serbisyong medikal, binuksan sa mga Manilenyo

MANILA, Philippines - Hindi na dahilan ang pa­gi­ging mahirap o kapus­palad sa Lungsod ng Maynila upang hindi makapagpagamot o makapagpa-ospital sakaling may karamdaman ang isang Manilenyo.

Nitong nakalipas na Miyer­kules ng hapon, sa pangu­nguna ni Kabalikat ng Bayan Sa Kaunlaran (KABAKA) Founding chairman at Manila 5th District Representative Amado Bagat­sing, kasama nina Metro Manila Develop­ment Authority Chairman Francis Tolentino, PhilHealth President and CEO Atty. Alex Padilla, KABAKA President Eduar­do Francisco, mga volunteer doctors mula sa Manila Doctors Hospital, Manila Medical Center, at Chinese General Hospital, corporate sponsors representatives, at 1,300 KABAKA Chapter president binuksan para sa publiko ang isang mini-hospital o ang KABAKA Clinic, Pharmacy and Diagnostic Center na magbibigay ng libreng serbisyong medical para sa mga residente ng na­turang lungsod.

Ayon kay Bagatsing na siyang may utak ng naturang proyekto, mabibigyan umano ng pribelehiyong lib­reng check-up at consul­tation, libreng gamot, libreng diagnostic at laboratory ser­vices katulad ng X-ray, ECG, ultra­sound test, blood test, ang mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

Aniya, bukas sa kahit na sinuman ang nasabing proyekto basta’t makapagpakita lamang ito ng community tax certificate o cedula, brgy. clearance, o KABAKA ID na magpapatunay na siya ay residente ng lungsod.

Aniya, layon ng proyekto na mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga mahihirap sa lungsod na kung saan base umano sa pag-aaral ay lima sa 10 pasyente ang namamatay sa bansa dahil sa kawalan nito ng kaka­yanan na makapagpa­ospital at magbayad ng doktor.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Francisco na wala maski isang sentimo na ginastos ang pamahalaan mula sa pagpapatayo ng dalawang palapag na gusali, medical equipment, maintenance, at medicine supplies dahil na rin sa pakikipagtulungan ni Bagatsing at ng KABAKA sa private sectors, at ilan pang individual volunteers at medical professionals.

Show comments