Kelot nag-suicide

File photo

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nagpaka­matay ang natagpuang naka­handusay malapit sa isang condominium sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Po­lice District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawi na si Marcelino Manuel Ricardo Manahan, 33, training and equality ma­nager ng City Margue Limited at residente sa Tower 1, 17-A, Orchand Condominium Eastwood, Brgy. Bagumbayan sa lungsod.

Ayon sa ulat ni PO2 Virgilio Mendoza, ang biktima ay nadiskubre ng security guard na si Lorenzo Ocsing, matapos na impormahan siya ng isang alyas Fe, tenant sa condo hinggil sa isang taong nakahandusay sa lugar. Nang puntahan ay positibo ang insidente kung saan na­datnan niya ang biktima na walang buhay habang nakahiga sa lapag ng nasabing lugar. 

Hinihinala ng awtoridad posibleng nagpakamatay ang biktima dahil sa sinturong nakita sa kanyang leeg at kaputol nito na nakatali naman sa isang dumbell na pinaniniwalang ginamit na pampabigat.

Gayunman, patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments