^

Metro

6 tiklo sa drug bust

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limang lalaki at isang babae na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang naaresto ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na anti-illegal drugs buy bust operations sa lungsod, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD Director Police Chief Superintendent Joel Pagdilao ang mga suspect  na sina Josephine Timario, alyas Negra, 40; Sonny Summer; Romeo Sino, alyas Oblong, 39; at Christian Ligayo, 36; pawang mga residente sa Brgy. Pansol, Quezon City; at Noel Villa, alyas Bonjing, 42, ng Escopa IV, Project 4; at Romeo Barcelona, 37, ng Escopa II, sa lungsod.

Sa ulat ni  Chief Inspector Roberto Razon Sr., hepe ng Quezon City Police District Anti-Illegal Drugs-Special Ope­rations Task Group (DAID-SOTG) kay Pagdilao, ang mga suspect na sina Timario, Summer, Sino, at Ligayo ay naaresto ganap na ala-1:30 ng hapon sa isang buy-bust operation sa may Kaingin I, Brgy. Pansol, sa lungsod.

Nakumpiska ng mga operatiba sa apat na mga suspect ang siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu  (P10, 000) at ang  buy-bust money.

Samantala, ganap na alas-7:30 ng Martes ng gabi ay nadakip sina Villa at Barcelona sa isa ring buy-bust operation na ginawa sa may kahabaan ng J.P. Rizal St., Barangay San Roque, Quezon City.

Dito ay nasamsam sa dalawa ang may 11 plastic sachet na naglalaman ng shabu (P15,000) at P3,500 na buy-bust money.

BARANGAY SAN ROQUE

BRGY

CHIEF INSPECTOR ROBERTO RAZON SR.

CHRISTIAN LIGAYO

DIRECTOR POLICE CHIEF SUPERINTENDENT JOEL PAGDILAO

DRUGS-SPECIAL OPE

ESCOPA

JOSEPHINE TIMARIO

KAINGIN I

NOEL VILLA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with