MANILA, Philippines – Muli na namang umarangkada ang programang ‘Joy of Public Service’ ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte nang pasimulan nito ang Livelihood Training Program at Schoolinary bus project sa iba’t ibang distrito sa lungsod sa tulong ng QC Skills and Livelihood Foundation Inc.
Kaakibat ng livelihood training program ang pagbibigay kaalaman sa mga mag-asawa, out-of-school youth at elderly ng mga paraan kung paano kikita ang bawat pamilya lalo na ang mga kababaihan kahit nasa bahay lamang.
Kabilang sa training program ang bread making, meat processing, jewelry making, perfume making, candy making, candle making, balloon making at throw pillow making.
Bukod dito, isang linggo namang umikot sa iba’t ibang distrito sa QC ang ‘Schoolinary Bus’ ng Vice Mayor’s Office upang magbigay din ng pagsasanay hinggil sa pamumuhunan partikular ang kaalaman sa fish processing, meat processing, bread-making at pastries.