^

Metro

Big-time oil price hike, nakaamba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malungkot na balita para sa publiko dahil may naka­ambang malaking pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong papasok na linggo.

Ayon sa tatlong higanteng kompanya, (Pilipinas Shell, Chevron o Caltex at Petron Corp.), posibleng tataas sa P2.40 hanggang P2.60 kada litro ang presyo ng gasolina sa Dubai Crude habang nasa P1.50 hanggang P1.75 kada litro naman sa presyo ng diesel. Habang wala namang binanggit sa pagtaas sa presyo­ ng kerosene­.

Ang nakaambang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa international market.

Kung sakaling matuloy ang pagpapatupad ng oil hike, ito na ang unang pinaka­malaking price increase ngayong  taong 2015.

Magugunitang huling nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay noong Pebrero 2.

AYON

CALTEX

DUBAI CRUDE

HABANG

MAGUGUNITANG

MALUNGKOT

PEBRERO

PETRON CORP

PILIPINAS SHELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with