MANILA, Philippines - Bunga ng damdamin umano bilang isang ama, nagawa nitong saksakin ang 49-anyos na kapitbahay na nakasuntukan ng anak, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang suspek na ama na iginanti ang naargabyadong anak na si Fernando Enario, ng Room 524, Bldg. 7 , Permanent Housing,Tondo.
Nakilala naman ang napatay na si Rogelio Sonza, 32, kapitbahay ng suspek.
Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, ang insidente ay nangyari dakong alas-2:00 ng hapon sa labas ng bahay ng suspek. Sinabi ng suspek sa imbestigador na hindi niya nakayanang makita na ang anak ay walang kalaban-laban na sinusuntok ng biktima dahil pigil-pigil pa ng mga umaawat ang kamay ng anak kaya kumuha siya ng patalim at inatake ang kapitbahay. Inaalam pa kung anong ugat ng galit ng biktima sa anak ng suspek.