Desperadong mister, nagbigti

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang desperado sa pamilya kaya winakasan ng 21-anyos na lalaki ang kanyang buhay matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Intramuros, Maynila. Idineklarang patay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Mark Borbon ng 452 Cabildo Street sa nasabing lugar. Sa report ni Det. Crispino Ocampo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alauna y medya ng madaling-araw nang matagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng kanilang bahay. Sa tulong ng mga kapitbahay, ibinaba ng ilang kamag-anak ang biktima mula sa pagkakatali sa kisame at isinugod sa opsital subalit idineklarang patay. Bagama’t problemang pamilya ang isa sa motibo ng biktima para magbigti, inaalam pa rin ng pulisya kung may foul play.

Show comments