Driver dedo sa motorbike gunmen

MANILA, Philippines – Napatay ang 45-anyos na driver  matapos itong barilin ng malapitan ng  motorbike gunmen habang  pumapasada kahapon ng umaga sa Tondo Maynila. Idineklarang patay sa Tondo Medical Center ang biktimang si  Aldrin Fernandez  ng #232 Rodriguez St. sa Balut, Tondo, Maynila. Sa ulat ni SPO2 Michael Marragun ng Manila Police District-Homicide  Section, naganap ang krimen dakong alas-9:45 ng umaga sa panulukan ng Ugbo at Varona Street.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tinanong  ng dalawang di-kilalang lalaki ang biktima kung saan pinasunod naman nito habang nagmomotorsiklo ang dalawa. Gayon pa man, bumaba ang isa sa gunmen saka sumakay sa likuran ng trike ng biktima kung saan binaril ito sa ulo pagsapit sa nasabing lugar. Naisugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay matapos mapuruhan ng bala sa likurang bahagi ng ulo.

Show comments