^

Metro

Kelot na amok, bulagta sa parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatay ng isang rumespondeng pulis ang isang lalaki na nag-amok sa kanilang lugar at unang nakataga ng tatlo katao kabilang ang kanyang sariling anak, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan ang amok na si Jesus Aquino, alyas Jojo, 39, ng Brgy. 12, ng naturang lungsod.

Nakilala naman ang mga sugatang biktima na sina Leslie Mae Aquino, 20, anak ng suspek; Elmarch Malihan, 21; at Joshua Dapiton, 20, pawang mga residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang unang magwala si Aquino na armado ng 24 pulgadang itak. Naglalaba ang kapit­bahay na si Maria Christina Llenaresas, 29, at pamangkin na si Dapiton nang sumulpot ang suspek.

Walang sabi-sabing tinaga ng suspek si Dapiton na tinamaan sa balakang habang masuwerteng sumab­lay sa pagtaga kay Llenaresas.

Dakong alas-2:20 ng hapon naman ng tagain ni Aquino ang anak na si Leslie Mae sa ulo, likod at katawan at ang live-in partner na si Malihan sa tapat ng kanilang bahay.

Dito pa lamang hu­mingi ng saklolo ang mga residente sa pulisya sanhi upang rumes­ponde ang mga tauhan ng Special Reaction Unit (SRU).  Ayon kay PO1 Fulgencio Escobar, gina­galugad nila ang lugar nang biglang sumulpot sa kanyang harapan si Aquino na armado ng itak at tangka umano siyang atakihin kaya agad na pinaputukan sanhi ng kamatayan ng suspek.

Ayon pa sa mga imbestigador, kilalang gumagamit umano ng iligal na droga ang suspek at may dalawang araw nang hindi kumakain na maaaring dahilan ng pagkawala nito sa katinuan.

AQUINO

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

DAPITON

ELMARCH MALIHAN

FULGENCIO ESCOBAR

JESUS AQUINO

JOSHUA DAPITON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with