^

Metro

10,000 huli sa anti-jaywalking campaign ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paiigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng anti-jaywalking campaign kasabay nang pagsasabing mahigit na sa 10,000 ang nahu­huling lumalabag dito.

Ayon sa MMDA, sa ngayon ay nasa  P500 ang multang ipinapataw sa mga nahuhuling lumalabag sa anti-jaywalking.

Mariing tututukan din ng ahensiya ang mga “no loading areas” na madalas maraming pedestrian at mananakay ang hindi sumusunod kung kaya’t nakakadagdag pa ito ng trapik sa Metro Manila.

Una nang nilinaw ni MMDA Assistant General Manager for Ope­rations Emerson Carlos, na hindi lamang ang pagtawid sa hindi tamang tawiran ang maituturing na  paglabag sa jay­walking kundi ma­ging ang paghihintay sa mga  “no loading areas”.

Hindi lamang umano panganib ang nakaamba sa mga sumasakay sa hindi tamang saka­yan, kundi may epekto rin ito sa daloy ng trapiko.

Sa tala ng MMDA, nabatid na mula Agosto 2014 hanggang Ene­ro 2015, nasa kabuuang  10,784 bilang   na ang nahuling lumabag sa anti jaywalking campaign.

Bukod sa multang 500, sila’y inoobliga na sumailalim sa community service sa loob ng tatlong oras at sasailalim din ang mga violator sa disaster seminar.

AGOSTO

ASSISTANT GENERAL MANAGER

AYON

BUKOD

EMERSON CARLOS

MARIING

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with