^

Metro

Manila government magbibigay ng financial assistance sa mga pamilya ng SAF sa Mamasapano clash

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaloob ng tulong pinansiyal ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga pamilya ng mga nasawi at nasugatang miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) Commandos sa Maguindanao.

Tiniyak ito ni Manila Mayo­r ­­Joseph Estrada sa pagsa­sabing tig-P100 libo ang ib­i­bigay ng lokal na pamahalaan sa kada-pamilya ng mga na­sawing SAF members, habang P50-libo naman sa mga sugatang miyembro ng SAF na kabilang sa napa-engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

Kukunin umano ang pondo mula sa discre­tionary fund ng tanggapan ni Estrada­.

Kahapon ay kaagad ding naipasa ang City Council Re­solution para sa ipaaabot na tulong pinansyal.

Nakasaad sa resolusyon ang pagkamatay ng 44 SAF members ay hindi lamang naka­apekto sa Min­danao, kundi maging sa mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila.

Naniniwala si Estrada, dating Pangulo at Com­mander-in-Chief, na bawat Pilipino ay dapat na mag­bigay-pugay sa mga na­sabing SAF member na isina­kripisyo ang buhay sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Sa susunod na linggo ay sisimulan na umano ang pamamahagi ng tulong-pinan­syal.

CITY COUNCIL RE

JOSEPH ESTRADA

KAHAPON

MAGUINDANAO

MANILA MAYO

MAYNILA

PAMAHALAANG LUNGSOD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with