Shootout: Wanted utas

MANILA, Philippines - Utas ang isang miyembro ng isang gang na sangkot sa ilang serye ng patayan at pagbebenta ng droga matapos na makipagbarilan sa mga pulis na tumutugis sa kanya kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang suspek na si Rolly Menor, alyas Kurap ng Balwarte, Phase 8, Bagong Silang ng na­turang  lungsod, at miyembro ng ‘Panoy Group’ sanhi ng tinamong  ilang tama ng bala sa ulo at katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nabatid kay Senior Supt., Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan City Police,  alas-10:30 ng umaga nang magsagawa ng operation ang mga pulis sa nasabing lugar upang arestuhin  ang naturang suspek,

Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan ito sa  mga alagad ng batas na tumutugis sa kanya hanggang sa mapuruhan ito sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nabatid na nakasuot pa ng primera klaseng bullet proof ang suspek kung saan nakuha rin dito ang isang kalibre .45 baril at granada.

Show comments