Lalaki timbog sa pagdadala ng baril

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang naaresto ng Manila Police District-Plaza Miranda PCP matapos na mahulihan ng baril sa Sta. Cruz,  Maynila. Kinilala ni  Sr. Insp. Rommel Anicete, hepe ng Plaza Miranda PCP ang suspek na si Pancho­ Villano, 39, tricycle driver at  naninirahan sa  Blk. 11 Lot 39 Inocencio St., Trece Martirez, Cavite.

Ayon kay Anicete, alas-6 ng umaga ng Enero 12 nang nagsasagawa ng pagpapatrol ang kanyang mga tauhang sina  SPO2 Edwin  Membrado, PO1 Christopher Duran at PO1 Hanny Mark Salamanca sa panulukan ng C.M. Recto  Ave. at Evangelista St., Sta. Cruz, Manila.

Napansin ng kanyang mga tauhan si Villano na nakatayo sa nabanggit na lugar at  ang nakabukol sa kanyang  kanang beywang. Dito na kinuwestiyon ni Membrado ang suspek at nakuha ang isang .38 caliber revolver hand gun  na may bala habang   nasa back-up naman sina  Duran at Salamanca.

Subalit sa kanilang  beripikasyon  lumilitaw na may naka­binbing warrant of arrest  si Villano  sa  Manila Regional Trial  Court dahil sa kasong murder. (Doris Franche-Borja)

Show comments