MANILA, Philippines - Isang lalaki ang binawian ng buhay matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek kamakalawa sa Makati City.
Dead on the spot ang biktimang si Jhun Camato, 30, taga #23-E A. Jacinto St., Bgy. West Rembo ng naturang lungsod matapos na magtamo ng ilang tama ng bala buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ni SP02 Rico Caramat, Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente ala-1:05 ng hapon sa Eskwela St., Bgy.West Rembo ng naturang lungsod.
Nakatambay ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na naglalakad lang at pinagbabaril ng una na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Away sa sugal ang isa sa mga tinitingnang motibo sa pamamaslang. (Lordeth Bonilla)