Mosyon ng ‘biktima’ ni Vhong Navarro, dinismis

MANILA, Philippines – Tuluyan nang ibinasura ng Quezon City Prosecutors Office ang motion for reconsideration (MR) na isinampa ng umanoy biktima ng rape ng actor/ TV host na si Vhong Navarro.

Sa resolusyon na naipalabas kahapon ni QC Prosecutor Donald Dee, dinismis ang hirit sa korte ni Margarita “Mai” Fajardo na mapag-aralang muli ang kasong naisampa niya sa actor.

Ayon sa korte, kulang sa  probable cause ang mosyon na naisampa ni Fajardo bukod sa mistulang inulit lamang nito ang mga substancial argument na nagsasa­bing siya ay hinalay ng aktor.

Una nang nadismis ng QC court ang rape case na naisampa ni Fajardo kay Navarro.

“The motion of the complainant raises no new matter­ or substantial argument that would make the prosecutor’s office reverse the Oct 15, 2014 resolution that dismissed the rape charges against Navarro,” nakasaad sa resolosyon ni Dee.

Matatandaang si Fajardo ay isa sa mga nagsampa ng kasong rape kay Navarro na nauwi rin sa pagbasura sa kaso dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya na nagdidiin kay Navarro sa kasong rape katulad din ng naisampang kasong rape sa aktor ng  modelong si Denise Cornejo at beauty pageant contestant Roxanne Caba­niero.

Show comments