3 sugatan, 10 bahay tupok sa Makati fire

File photo.

MANILA, Philippines – Sa unang naitalang sunog sa lungsod ng Makati ngayong taon, tatlong katao ang sugatan habang 10 bahay ang natupok ngayong Martes.

Nakilala ang mga biktimang sina Roberto Alba, 60; Evangeline Alba, 57; at Senior Fire Officer 3 Iguid, 40.

Ayon kay Makati Fire Marshal Ricardo Perdigon, ganap na 12:55 nagsimula ang sunog sa mga bahay sa kalye ng St. Paul sa Barangay San Antonio.

Mabilis kumalat ang sunog dahil gawa sa light materials ang mga bahay, dagdag ni Perdigon.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na kaagad nirespondehan ng Makati Central Fire Station at volunteer firefighters ng Pasig City.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog na umabot sa P500,000 halaga ng ari-arian ang tinupok.

Show comments