^

Metro

Operation ng LRT-1, back to normal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Balik na sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) line 1 makaraang buksan sa publiko kahapon ng umaga ang isinarang Quirino Avenue LRT Station.

Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, ganap na alas-9:10 ng umaga nang buksan sa mga commuters ang isinarang istasyon ng LRT.

Sinabi ni Cabrera, nang makalabas ang motorcade ni Pope Francis sa Apostolic Nunciature na siyang ginamit na official residence ng Santo Papa patungo sa Villamor Air Base ay agad nilang binuksan ang Quirino Avenue LRT Station.

Aniya, pagkabukas ng istasyon ay agad na sumakay ang maraming commuters na nanood ng huling motorcade ng Santo Papa.

Ang LRT-1 ang nag-uugnay sa Roosevelt Avenue sa Quezon City haggang Baclaran Station sa Parañaque.

APOSTOLIC NUNCIATURE

BACLARAN STATION

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

POPE FRANCIS

QUEZON CITY

QUIRINO AVENUE

ROOSEVELT AVENUE

SANTO PAPA

VILLAMOR AIR BASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with