^

Metro

Krimen kaunti sa Pope visit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mababa ang bilang ng krimen na naganap sa Metro Manila nitong pagbisita ni Pope Francis, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Lunes.

Umaabot sa 94 krimen araw-araw o 660 krimen kada linggo ang naitatala ng NCRPO, ngunit sa pagdating ng Santo Papa ay nasa 14 lamang nitong Sabado at Linggo.

Ilan sa mga naaresto ay ang Philippine Drug Enforcement Agency agent na si Sonnyboy Anonnat dahil sa pagdadala ng 9mm pistol sa ruta ng papal motorcade.

Nasakote si Anonnat ng mga tauhan ng Manila Police District- Traffic Enforcement Unit sa kahabaan ng Pres. Quirino Avenue sa Plaza Dilao, Paco, Manila bandang alas-11 ng umaga nitong Sabado.

Walang naipakitang Permit to Carry Firearms Outside Residence si Annonat nang parahin ng mga awtoridad matapos magtangkang tawirin ang barikada sa Quirino.

Samantala, nadakip din ng mga awtoridad ang photographer na si Michael Sy Yu dahil sa pagpapaliag ng drone camera sa Roxas boulevard na isang no-fly zone na lugar.

Ilan pang naialang krimen ay shoplifting sa SM Araneta Center, hit and run sa lungsod ng Quezon, pagsabog ng isang granada sa Navotas City, 6 na kaso ng pagnanakaw ng motor, pamamaril at pananaksak.

Tatlong sunog din ang naitala sa Maynila, Quezon City at Valenzuela City.
 

ARANETA CENTER

CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ILAN

MANILA POLICE DISTRICT

METRO MANILA

MICHAEL SY YU

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NAVOTAS CITY

PLAZA DILAO

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with