Chinese national, tinarakan ng pamangkin

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang Chinese national matapos itong pagsasaksakin ng kanyang pamangkin na nagalit nang hindi  pautangin ng tiyuhin, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Eddie Chua, 50, residente ng 6th Avenue ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Arnel Chua, 35, helper at residente ng Pulilan, Bulacan.

Ayon sa Station Investi­gation Division (SID) ng Caloocan City Police, alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng P. Sevilla St., 6th Avenue, Brgy. 54 ng nasabing lungsod.

Nabatid na nanghihiram umano ng pera ang suspek sa biktima subalit, tumanggi ang tiyuhin  na naging dahilan upang magalit ang pamang­kin kung saan bumunot ito ng patalim at inun­dayan ng saksak ang biktima bago tumakas, subalit agad naman itong nadakip ng mga ba­rangay tanod sa tulong ng mga residente sa lugar.

Show comments